Mas mapapadali ang proseso sa paghingi ng medical assistance ng mga kababaihan mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Ito’y makaraang maglaan ang PCSO ng special lane para sa mga babaeng kliyente bilang pagsuporta ng ahensya sa pagdiriwang ng national women’s month.
Ayon kay PCSO Vice Chair at General Manager Jose Ferdinand Rojas II, itinayo nila ang special lane malapit sa LCP o Lung Center of the Philippines satellite office sa Quezon City.
Hindi bababa sa 800 pasyente ang nagtutungo sa LCP para iproseso ang kanilang request sa ilalim ng individual medical assistance program ng PCSO.
Nilinaw naman ni Rojas na hanggang ngayong buwan lamang ng Marso ang naturang special lane.
By Meann Tanbio