Umabot na sa 163.03 milyong pisong halaga ng medical assistance ang naipalabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa 23,039 eligible beneficiaries sa buong bansa nitong Setyembre.
Ayon sa state lottery agency, ang naturang pondo ay naipamahagi sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng medical access program ng ahensya.
Umabot sa 33.9 million pesos na halaga ng tulong ang naibigay sa 2,559 benepisyaryo sa National Capital Region; habang 4,962 individuals naman mula sa Northern at Central Luzon ang nakatanggap ng P36.5 million na tulong; at 6,871 benepisyaryo mula sa Southern Tagalog at Bicol Region ang nabigyan ng assistance na nagkakahalaga ng P37.6 million.
Sa visayas, nasa 3,800 indibidwal ang napagkalooban ng P25.7 million na medical aid habang 44,847 individuals naman ang nakatanggap ng P29.1 million na tulong sa Mindanao.