Pumapalo sa mahigit tatlong milyong pisong bahagi ng kita mula sa lotto ang ibinigay ng PCSO sa pangunguna ni General Maanger Mel Robles sa iba’t ibang munispalidad sa Lalawigan ng Quezon kabilang ang Lucena City.
Bukod sa lotto shares, namahagi rin ang PCSO ng tatlong libong lotto tickets sa mga residente na maaaring manalo ng 500 million pesos na jackpot prize.
Bitbit din ng grupo ni PCSO GM Rolbes ang dalawandaang libong pisong halaga ng mga gamot bilang bahagi ng Lab for All na programa ni First Lady Liza Araneta-Marcos na nag-aalok ng libreng medical consultations, laboratory at healthcare check ups.
Nagpasalamat kay PCSO GM Robles si Quezon Provincial Governor Angelina Helen Tan kasama ang municipal mayors sa patuloy na suporta sa kanilang mga programa para iangat partikular ang buhay ng mga taga-Quezon sa libreng lotto tickets na daan sa posibleng pagiging milyonaryo ng mga ito.
Patunay na naman ito ng #PCSO hindi umuurong sa pagtulong.