Nilinaw ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office na para sa medikal at mga programang pangkalusugan ng mga pulis ang 2.5% share na ibinabahagi nila sa PNP o Philippine National Police at hindi para sa araw-araw na operasyon ng pulisya.
Ayon kay PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz, kahalintulad rin naman ito ng ibinibigay nilang tulong pinansyal para rin sa pang medikal at pang kalusugang programa ng iba pang ahensya ng pamahalaan.
Kasabay nito ay kinilala ni Corpuz ang pagsisikap ng PNP na masugpo ang iligal na sugal.
Binigyang diin ni Corpuz na mas malaking pondo pa ang maiipon ng PCSO para sa programang pang kalusugan kung masusugpo ng tuluyan ang iligal na sugal.
Samantala, bukas naman si PCSO General Manager Alexander Balutan sa kahilingan ni PNP Chief Director General Alexander Balutan na pulong upang liwanagin ang isyu sa ligal na Small Town Lottery (STL) at iligal na sugal na kahalintulad rin ng STL.
- Len Aguirre