Itinanggi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na umaabot sa P60 bilyong piso ang nawawalang kita mula sa STL o Small Time Lottery na pinatatakbo ng PCSO.
Ayon kay PCSO general Manager Ferdinand Rojas, mismong sa hearing ng senado ay pinabulaananan ng National Bureau of Investigation na nagmula sa kanila ang report na nalathala sa Philippine Daily Inquirer.
Ipinaliwanag ni Rojas na ang 4.7 billion remittance sa kanila mula sa STL operations ay mula lamang naman sa 14 na maliliit na lalawigan at apat na syudad.
Aminado si Rojas na walang resibo ang STL kaya’t mahirap matantiya kung magkano ang tunay na kita sa operasyon nito.
“Makapag-expand po kami sa ibang areas in order to get a bigger share, kasi when you say 4.7 you’re only talking of some areas, wala po tayo sa Metro Manila, wala po tayo diyan, wala po kami sa Pangasinan, sa Ilocos Sur, sa Abra, sa Baguio.” Ani Rojas.
By Len Aguirre | Karambola