Pinasisilip ng PCSO sa kongreso ang mga batas hinggil sa obligasyon nitong magbigay ng kontribusyon kahit sa mga ahensyang walang kinalaman sa isyu ng kalusugan.
Kasunod na rin ito nang pagtukoy ni PCSO legislative Liason Officer Gay Alvor sa mandatory contributions ng ahensya sa CHED, Philippine Sports Commission at PDEA.
Sinabi ni Alvor na ang mga naturang special laws ay ipinatutupad na bago ang kasalukuyang kongreso kayat umaapela silang ma repaso ang mandatory contributions.
Ipinabatid ni Alvor na sa gitna ng pandemya, inatasan sila ng Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kanilang pondo sa ayuda sa non COVID diseases tulad ng dialysis, chemo therapy, hospitalization assistance at request para sa surgery at devices.