Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagbuwag sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na kanyang tinawag na pinakatiwaling ahensya ng gobyerno.
Ito, ayon kay Pangulong Duterte, ay dahil ginagamit lamang sa jueteng ang small-town lottery operation ng PCSO.
Hindi rin anya lahat ng kinikita ay ibinibigay sa gobyerno sa halip ay ibinubulsa kaya’t nalulugi ng milyun-milyong piso ang pamahalaan kada araw.
Inatasan na rin ng Punong Ehekutibo ang mga opisyal ng nabanggit na ahensya na magsagawa ng pag-aaral kung tuluyang mabubura ang korapsyon sa kanilang tanggapan.
Iginiit ni Duterte na kung hindi siya makukuntento sa performance ng PCSO na tuluyang burahin ang katiwalian ay irerekomendya niyang buwagin na lamang ito.
Magugunitang itinalaga ng Pangulo si retired Maj. Gen. Alexander Balutan bilang bagong general manager ng PCSO bilang bahagi ng kampanya kontra katiwalian.
By Drew Nacino