Hinikayat ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office ang mga gambling operator na mamuhunan na lamang sa Small Town Lottery (STL) sa halip na pasukin ang iligal na sugal.
Sa panayam ng programang Karambola, sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan na bahagi ito ng kanilang kampanya kontra illegal gambling alinsunod sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod nito, ipinagmalaki ni Balutan na malaki na ang kinita ng STL mula nang ganap na maisabatas ito.
“Noong inimplement natin yung bagong IRR at pinaigting natin ang implementasyon ng batas ay umangat agad ito the following month, October ng 910 million and ang November, December, 920 na, 909, so in 3 months kumita na ito ng 1.7 billion.” Ani Balutan
Binigyang diin pa ni Balutan na uubra nang makataya ng piso sa STL bilang itinuturing ito na laro ng masa.
“Puwedeng tumaya ng piso kasi larong masa ito, ipasok lang nila sa STL na, sa prangkisa, at ngayon yung may AACs (Authorized Agent Corporation) na sinasabi namin sa isang probinsya ay inangat natin ang kanyang engreso sa buwan-buwan, na mahigit nang more or less 200 percent sa dati niyang ibinibigay.” Pahayag ni Balutan
By Jaymark Dagala | Karambola (Interview)