Tiniyak ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na magpapatuloy ang kanilang operasyon at pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Ayon ito kay PCSO General Manager Royina Garma matapos ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa lotto at STL operations.
Ipinabatid ni Garma na may sapat na pondo ang PCSo para sa charity at mananatili namang bukas ang kanilang individual medical assistance program sa Lung Center of the Philippines at lahat ng opisan ng PCSO sa buong bansa.
Samantala, inamin ni Garma na libu-libong empleyado ng PCSO ang posibleng mawalan ng trabaho kung nakatigil pa rin ang gaming operations kaya’t patuloy silang umaasang magbabago pa ang isip ng pangulo sa mga susunod na araw.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)