Kinasuhan na ng contempt ng kampo ni transgender Jennifer Laude ang PCVFA o Presidential Commission on Visiting Forces Agreement at 11 sundalong Amerikano.
Kaugnay ito sa pagsuway sa utos ng Olongapo City RTC na ilipat sa New Bilibid Prisons (NBP) si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Sa petisyong isinampa sa Olongapo RTC, binigyang diin ni Atty. Harry Roque, lead counsel ng pamilya Laude na dapat kasuhan si Eduardo Oban Jr., Executive Director ng PCVFA at US soldiers dahil sa hindi pagbibigay kay Pemberton sa local authorities.
By Judith Larino