Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nangangamba siya sa posibilidad na muling lumaganap ang illegal na droga sa bansa pagkatapos ng kanyang termino.
Ayon sa Pangulo, sa kabila ng maigting na kampanya ay patuloy na nakakahuli ang mga awtoridad ng bulto-bultong illegal na droga.
Aniya, dapat na malipol ang lahat ng drug lords para hindi bumalik ang talamak na problema sa illegal na droga sa bansa dahil ito ang sumisira sa buhay ng mga pilipino.
Mababatid na umaasa ang punong ehekutibo na ipagpatuloy ng bagong administrasyon ang kanyang nasimulang war on drugs para sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan at para na rin sa pag-usad ng kabuhayan sa bansa.