Hindi papayagan ng Commission on Elections ang Public Display of Affection (PDA) sa pangangampanya para sa Halalan 2022.
Ito’y dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.
Sa isa pagdinig sa House Committee on People’s Participation, sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez, na kasama na sa campain system ng mga pulitiko tuwing eleksyon ang pakikipagkamay sa mga botante at paghalik sa mga bata sa mga komunidad.
Sinabi ni Jimenez na humaharap ang bansa sa krisis ng pandemya kung kaya’t ito’y ipagbabawal muna.
Samantala, inaalam pa ng ahensya kung ano magiging sistema para sa Halalan 2022.