Patay ang isang agent ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency matapos pagbabarilin sa Cebu City.
Kinilala ang biktima na si PDEA Officer Earl Rallos na tinambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin na nakasakay sa isang motorsiklo.
Ayon sa mga testigo, nagawa pang lumabas ni Rallos sa kanyang kotse pero muli pa itong pinaputukan sa ulo ng mga salarin.
Aabot naman sa 15 basyo ng bala ang narekober sa crime scene.