Patay sa pamamaril ang isang agent ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa barangay Pengue Ruyu sa Tuguegarao City, kahapon.
Kinilala ang biktima na si Mark Anthony Ventura ng barangay San Juan Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.
Ayon sa imbestigasyon nakasakay umano ang biktima sa motorsiklo kasama ang kaibigan nito na si Jonathan Juan ng biglang may sumulpot na riding in tandem at pinagbabaril si Ventura.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima na naging sanhi ng pagkasawi nito.
Pauwi na sana galing ng trabaho ang biktima ng mangyari ang insidente.
May kinalaman sa trabaho ang tinitingnan anggulo ng mga awtoridad kaugnay sa pagpaslang kay Ventura.
—-