Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na hindi maisasantabi ang malalaking isda sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Iyan ang inihayag ni PDEA Spokesman Director Derrick Carreon kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng ibalik sa PNP ang pangunguna sa nasabing kampaniya.
Aminado si Carreon na kulang sila sa pondo, kagamitan at tauhan para matutukan ng husto ang napakaraming sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Gayunman, sinabi ni Carreon na bagama’t ibabalik sa PNP ang pangunguna sa war on drugs sa mga komunidad, mananatili pa rin silang lead agency dahil ito aniya ang nakasaad sa batas.
—-