Tinatayang pitong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 34 na Milyong Piso ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs sa Trece Martires, Cavite.
Hinihinalang nagmula sa Mexican Sinaloa Drug Cartel ang mga nasabat na droga na ipinuslit sa Mexico patungong California, hanggang makarating ng Pilipinas.
Ayon kay PDEA Director-General Aaron Aquino, dalawang suspek naman ang naaresto na kinilalang sina Mauricia de Padua, 36 anyos at Suriong Taib the Third 37 anyos.
Inilunsad ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Regional Office-National Capital Region, PDEA R.O.-2, Boc-Clark at Ninoy Aquino International Airport -Drug Interdiction Task Group.
Ipina-ship ang kontrabando ng isang Christiano Lozano at Robert Gutierrez mula California at naka-consign kina Leonel Adriano Romero at Raymund Cruz Miranda ng Trece Martirez, Cavite.