Tanging ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency at ilang kagawad ng Armed Forces of the Philippines ang pinapayagang tumugis sa mga drug lord at iba pang personalidad na sangkot sa iligal na droga.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos alisan ng karapatan ang Philippine National Police na maglunsad ng anti-drug operations dahil sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.
Sa pagharap ng Pangulo sa AFP Council of Sergeants Major sa Malacañang, sinabi nitong buo ang tiwala niya na kayang isulong nang maayos ni PDEA Director General Isidro Lapeña ang anti-drug operations.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping