Bubuo ng sariling research team ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang pag-aralan ang medicinal marijuana.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, makakasama nila sa pag-aaral ang UP College of Medicine, UST Research Team at mga taga-Department of Health at Department of Science and Technology.
Sa pamamagitan nito aniya ay makakabuo sila ng mas mahigpit na safeguards upang hindi maabuso o malusutan ang batas.
Una nang ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang medical marijuana bill.
“Kahit sinong nangangailangan just as long na meron silang prescription mas madali nang i-access, ang magiging problema nga lang dito baka maabuso, baka kahit sino-sino na lang alam mo ang prescription madali minsang gumawa eh, kapag na-legalize na kasi mahihinto na ang smuggling ng droga na ‘yan, kung sino-sino lang ang gumagamit, yun ang magiging problema, kasi ngayon you can buy medical marijuana online, puwede ring maipasok kasi mahirap din ma-detect somehow.” Pahayag ni Aquino
(Ratsada Balita Interview)