Dumistansya si PDEA chief Aaron Aquino sa paglalabas ng narco-list matapos ibigay ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang go signal para isapubliko na ang listahan ng mga pulitikong sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Sinabi sa DWIZ ni Aquino na unang una ay hindi naman sa kaniya ibinigay ng Pangulo ang awtoridad na ilantad ang narco-list subalit handa na aniya siya kung aatasan siyang ilabas ito sa publiko.
Definitely, hindi ako kasi hindi naman sa akin binigay ang go signal para i-release iyon. Pahayag ni Aquino
Kasabay nito, tiniyak ni Aquino ang kahandaang harapin ang anumang kaso ng mga ilalantad na pulitikong dawit sa illegal drugs operations
Kung meron mang magfa-file ng kaso, we prepare for it. Ang legal team naman namin sa PDEA is always ready sa kung anuman ang mangyayari. Paliwanag ni Aquino
(Ratsada Balita Interview)