Tila ni-let go na ng Pangulong Rodrigo Duterte si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Kasunod ito nang anunsyo ng Pangulo sa appointment ni PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency Chief Isidro Lapeña bilang bagong Commissioner ng Bureau of Customs.
Si Lapeña naman ayon sa Pangulo ay papalitan ni police official Aaron Aquino bilang pinuno ng PDEA.
Magugunitang inihayag ng Pangulo na tatlong beses nagsumite ng resignation letter sa kaniya si Faeldon subalit hindi niya ito tinanggap.
Bagama’t nasa gitna ng kontrobersiya ngayon si Faeldon sinabi ng Pangulo na naisahan lamang si Faeldon ng maruming sistema sa Customs.
Binigyang diin ng Pangulo na kailangan pa rin sa gobyerno ang tulad ni Faeldon.
Samantala, sinabi ng Pangulo na sa pag-upo ni Lapeña ay magkakaroon ng malawakang balasahan sa Customs.
Dalawang opisyal na rin ng Customs ang nagbitiw na sa tungkulin dahil sa nasabing kontrobersya.
By Judith Larino / Rianne Briones
SMW: -RPE