Tinanggalan na umano ng Philippine National Police (PNP) ng security si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino.
Ito ay ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon batay sa nakuha niyang impormasyon.
Ayon kay Gordon, kwestiyunable ang nasabing habang ng PNP kung may katotohanan aniya ito dahil hindi tamang tanggalan ng security ang number 1 drug enforcer ng bansa.
Nagpapakita rin aniya ito ng nagpapatuloy na iriingan sa pagitan ng PDEA at PNP kaugnay sa isyu ng pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa pagrerecycle ng iligal ng droga.
Samantala, maliban sa mga police officers na tinukoy ni dating CIDG Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na sangkot sa recycling ng droga, makakaharap din nito si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa pagdinig ng senado bukas.
Imbitado rin sa pagdinig ang mga pulis na sinabi ni NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar na sangkot sa iligal na droga at maging si PDEA Chief Aquino.