Walang nakikitang problema si Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Aaron Aquino sakaling ibalik sa Philippine National Police (PNP) ang mandatong pangunahan ang anti – drug war.
Sinabi ni Aquino na ang mahalaga ay iisa ang laban nila ng PNP kontra iligal na droga.
Kasabay nito, inihayag ni Aquino na hindi siya naniniwalang nagkulang ang kanilang mga tauhan sa trabaho dahil ibinigay ng mga ito ang lahat.
Sa katunayan, ipinagmalaki ni Aquino ang isinagawa nilang mahigit 1,000 drug operations, kung saan narekober ang 53 nilyong pisong halaga ng illegal drugs.