Naka-isolate na ngayon si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva.
Ito’y matapos kumpirmahin ni Villanueva sa kaniyang Facebook post na nagpositibo siya sa COVID-19.
Paliwanag ni Villanueva, nitong Sabado siya sumailalim sa RT-PCR test at lumabas ang resulta linggo ng umaga.
Ginawa ito isang araw bago isagawa ang pagdinig ng senado kaugnay sa misencounter ng PDEA at pulisya sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kamakailan.
Dahil dito, hindi rin makadadalo sa pagdinig si Villanueva kasama si PNP Chief P/Gen. Debold sinas na una na ring nagpositibo sa COVID-19.