Sinabon ni Senator Juan Ponce Enrile si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Usec. Arturo Cacdac sa pagsalang nito sa budget deliberation.
Ayon kay Enrile, hindi siya mangingiming tapyasan ang budget ng PDEA, kapag wala itong maipakitang patunay na nagtagumpay ito sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Iginiit ng senador na gagawin niya ito kahit pa una nang naaprubahan ng Pangulong Noynoy Aquino ang pondo ng PDEA.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)