Gagamit na ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ng drone sa kanilang mga ikinakasang anti–drug operation.
Ayon sa PDEA, bumili sila ng dalawampung units ng ‘Mavic Pro’ na drone na nagkakahalaga ng isandaang libong piso bawat isa.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, mapapalakas ng mga bagong kagamitan ang kakayanan ng PDEA sa mga drug operations lalo na sila at ang Philippine National Police ang nasa frontline ng war on drugs.
Kasabay nito, isinailalim ng PDEA ang kanilang mga tauhan sa seminar kasama ang CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines kaugnay sa tamang paggamit ng drone.