Hindi set up ang ginawang anti-illegal drugs operations ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA laban sa aktor na si Cogie Domingo.
Binigyang – diin ito ni PDEA Spokesman Derrick Carreon na nagsabi ding karapatan naman ni Domingo na magsalita laban sa mga otoridad bilang depensa na rin sa kaniyang sarili.
Ayon kay Carreon, bago pa man ang buy bust operation, nakakatanggap na sila ng mga impormasyon hinggil sa pagkakasangkot sa droga ni Domingo at maging sa pinagkukunan nito ng droga na si Almira Bautista.
Sinabi ni Carreon na nakita mismo ng kanilang undercover agent ang transaksyon sa pagitan nina Domingo at isa pang narestong suspek na si Francisco Lim at si Bautista.