Hinamon ng dating team leader ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mga opisyal nito na pangalanan ang mga pulitiko at mga government official na tumatanggap ng payola mula sa mga sindikato ng droga.
Ayon kay Jonathan Morales, founding Chairman ng anti – drugs advocate at dating PDEA agent, nagtataka siya bakit hindi magawang ilabas ni PDEA Chief Arturo Cacdac Junior ang listahan ng mga opisyal na nakikinabang sa iligal na droga.
Aniya, noong nasa PDEA pa siya ay nadiskubre nila ang sinasabing payola ng mga opisyal ng gobyerno na kumukubra sa tinatawag na binondo drug cartel.
Binigyang diin ni Morales na dapat na itong maisapubliko upang mabigyan ng malinaw na ideya ang publiko sa kung sino ang karapat-dapat na ibotong kandidato sa 2016 elections.
By Rianne Briones