Hindi na magsasagawa ng mandatory drug testing ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa mga Grade 4 student pataas.
Ito ay matapos mariing tutulan ng Department of Education o DepEd ang naturang panukala ng PDEA at pinanidigan na dapat limitahan lamang sa high school at college students ang drug testing.
Ngunit ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, hindi dito natatapos ang pagpapaigting nila sa kampanya kontra iligal na droga.
Iminungkahi ni Aquino na amyemndahan ang Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 kung saan nakasaad na maaaring isailalim sa random drug testing ang mga estudyante sa high school at kolehiyo.
Ngunit nais ni Aquino na imbes na random ay gawin na itong mandatory at isama na rin ang mga guro.
—-