Tiniyak ngayon ng Malakanyang na hindi patitinag ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa gyera kontra droga sa kabila ng paninira rito ng Amnesty International.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, tinawag ng Amnesty International na “ public relation stunt” lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglipat nito ng kapangyarihan sa PDEA para pamunuan ang kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Dagdag pa ni Abella, una ng siniraan ng Amnesty International ang PNP o Philippine National Police noong nasa frontline pa ito ng anti–drug campaign ng administrasyon at ngayon ay target naman nila ang PDEA.
Gayunman, tiniyak ni Abella na magpapatuloy ang kampanya ng gobyerno laban sa krimen, kurapsyon at ilegal na droga.