Ikinalugod ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkakatalaga kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, malaki ang mai-aambag ni Jimenez sa kampaniya kontra illegal na droga na droga ng pamahalaan.
Sinabi ni Aquino, may direktang ugnayan ang illegal na droga sa katiwalian na kapwa inilalaban ni Jimenez bilang anti-corruption czar.
Dahil sa pagkakatalaga kay Jimenez, umaasa si Aquino na mas lalo pang mapaiigting at mapapalakas ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga.