Mariing kinondena ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nangyaring pananambang sa kanilang mga tauhan sa Togoloan, Lanao del Sur.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, hindi katanggap tanggap ang sinapit ng mga kawani ng pamahalaan na tumutupad lamang sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Kasabay nito, tiniyak ni Aquino ang tulong sa pamilya ng limang nasawing PDEA agents.
Magkakasa rin aniya ng imbestigasyon ang ahensiya at nangakong gagawin ang lahat para madakip ang mga salarin.
Kasunod naman insidente, sinabi ni Aquino na mas lumakas pa ang kanilang loob para durugin ang mga sindikato ng iligal na droga at paiigtingin din ang kampanya kontra dito.