Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umabot na sa 6,215 ang bilang ng mga drug suspects na napatay sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaang Duterte hanggang nitong October 31, 2021.
Ayon sa PDEA, nasa 315,635 suspects ang naaresto sa buong bansa mula sa 218,665 legitimate anti-drug operations mula Hulyo 1, 2016.
Sa bilang ng mga naarestong indibidwal, 13,821 ay mga high value target.
Habang mayorya naman sa mga illegal substances na nasabat sa mga operasyon ay shabu, marijuana, cocaine, ecstasy at assorted drugs.