Makikilahok ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kauna-unahang pagkakataon sa taunang Brigada Eskuwela para sa taong ito.
Sa inilabas niyang direktiba, inatasan ni PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino ang lahat ng PDEA regional offices na aktibong makiisa sa isang linggong aktibidad upang paghandaan ang pagbubukas ng klase sa lahat ng mga paaralan sa Hunyo.
Ilan sa mga gagawing aktibidad sa Brigada Eskuwela simula bukas, Mayo 20 hanggang Sabado, Mayo 25 ay ang paglilinis sa mga silid aralan.
Gayundin ang pagkukumpuni at pagpipintura rito at ang paglilinis sa paligid ng mga paaralan maging ang pagtatanim ng mga bagong halaman o puno.
Kasabay nito, naglaan naman ng P85,000 o tig P5,000 sa kabuuang labing pitong PDEA regional offices para ipambili ng mga kagamitan sa paglilinis ng mga paaralan.