Plano ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na magpasaklolo rin sa ilan pang mga ahensya ng pamahalaan kaugnay sa war on drugs.
Kasunod ito ng naging pahayag noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagawang transhipment point ng malalaking drug syndicates tulad ng bamboo gang ng Taiwan at 14k ng Hongkong ang Pilipinas ng mga niluluto nilang shabu.
Sa panayam ng DWIZ kay PDEA Dir/Gen. C/Supt. Aaron Aquino, kabilang sa kanilang kakausapin ang Bureau of Customs at MARINA o Maritime Industry Authority.
“Well, talagang hindi naman talaga involve no, just people parang Pilipino na mga loko-lokong tao na talagang tinanong ko kung mayroong bamboo gang sa kanila and they admitted it. Yung mga bamboo gang, there’s a possibility either ginagawang parang transhipment point ang Pilipinas o directly talagang binabagsak, ine-enforce o ini-i-smuggle dito yan papunta sa ating bansa kaya nga nakikipag coordinate ako ngayon sa MARINA who knows all the ano. Sila kasi ang nakakakita kung saan ang mga ruta ng lahat ng mga shipping lines natin.”
Kasunod nito, sinabi pa ni Aquino na balak din niyang magtayo ng tanggapan sa loob ng New Bilibid Prisons o NBP na naglalayong matuldukan na ang illegal drug trade sa loob ng pambansang piitan.
Noong isang araw nasa Bilibid Prison ako. Nakipag coordinate ako sa mga leaders doon at magtatalaga ako, magtatayo ako ng opisina sa loob ng Bilibid….para once and for all mahinto na dyan yung kalakalan ng pag manage at pag operate ng mga drug lords. Yung mga nakakulong sila pa yung nag o-operate ng drugs.