Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA partikular sa mga kababaihang mahilig magtungo sa mga party.
Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, posibleng mabiktima ang mga kababaihan ng gang rape gamit ang isang uri ng droga na “liquid ecstasy”.
Ipinaliwanag ni Aquino na dalawa hanggang tatlong patak lamang ng liquid ecstasy ang kinakailangang ihalo sa inumin para makatulog at makalimot ang isang babae.
Pagkagising aniya ay walang kamalay – malay ang biktima na ginahasa na pala ito.
Nabisto ang modus na ito nang maaresto ang isang Filipino – American na si Dennis Ray Aguilar Thieke sa ikinasang drug raid sa Mandaluyong City.