Nabunyag na ginagawa na ring candy ngayon ang shabu at ang target market nito ay ang mga kabataan.
Ayon kay Director Derrick Carreon, Spokesman ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency, nakatanggap na sila ng babala mula sa mga international drug enforcement agencies hinggil sa shabu na ginagawang candy.
Nagpahayag ng pangamba si Carreon na matulad ang candy shabu sa mga party drugs na puwedeng mabili online o sa pamamagitan ng internet.
Bahagi ng pahayag ni Director Derrick Carreon
“Kasi may trending po though hindi pa naman laganap pa dito may mga warnings na before na even in candy form ay pinapalaganap ang shabu in disguise of candies, kaya ang advise ko sa mga bata of course number one do not talk to strangers, number two huwag tatanggap ng kahit anong uri ng pagkain lalo na sa taong hindi mo kakilala.” Pahayag ni Carreon
By Len Aguirre | Ratsada Balita