Nangako si Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Aaron Aquino na hindi magiging madugo ang kampanya kontra iligal na droga sa ilalim ng kanilang pamamahala.
Ayon kay Aquino, titiyakin nito na walang lalabaging batas ang mga operatiba ng PDEA sa tuwing magsasagawa ang mga ito ng anti-drug operation.
Samantala ayon kay Aquino, nakatakda silang humirit ng karagdagang 300 milyong pisong pondo sa Kongreso na gagamitin nila sa pagkuha ng mga dagdag na tauhan at pagbili ng mga kagamitan.
Aminado si Aquino na isang malaking hamon sakanila ngayon ang kakaunting tauhan ng kanilang ahensya matapos ilipat sa kanila ng Pangulo ang kapangyarihan sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
—-