Nangangailangan ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ng mga bagong agents.
Layon nito na mapalakas ang work force ng PDEA at mabigyan din ng trabaho ang mga gustong maging bahagi ng pangunahing anti-illegal drug organization ng bansa.
Kasalukuyang naghahanap ang PDEA ng drug enforcement officers, ang entry level position na Intelligence Officer 1, na may permanent item na Salary Grade 11.
Ipinabatid ni PDEA Director General Isidro Lapeña na sakaling ma-recruit, sasailalim ang mga ito sa 6 na buwan na comprehensive at regimented training program sa PDEA Academy sa Silang, Cavite.
Hinihimok ng PDEA ang mga interesadong aplikante na magpadala ng letter of application na naka-address kay Lapeña.
By: Meann Tanbio