Nilinaw ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency na plano pa lamang ang pagsailalim sa drug test ng mga mag-aaral mula Grade 4 pataas.
Sinabi ito ni PDEA Director General Aaron Aquino matapos ulanin ng batikos ang kanilang panukala.
Ayon kay Aquino, nakatakda pa lang siyang bumuo ng technical working group hinggil sa naturang plano at ang magiging rekomendasyon ng mga ito saka naman ipiprisinta sa lahat ng sektor.
Binigyang diin ng opisyal na layon lamang ng mandatory drug testing sa mga estudyante na maipaalam ang talagang sitwasyon ng droga sa mga paaralan.
Dagdag pa ni Aquino, kung hindi lulusot ang kanilang panukala ay hindi naman aniya nila ito ipipilit pa.