Hinikayat ng PDEA o Philippine Drug Enforcement agency ang publiko na huwag iboto ang mga tumatakbong opisyal ng barangay na sangkot sa illegal na droga.
Ito ay sa harap nang nalalapit na barangay at sangguniang kabataang elections na itinakda sa Mayo 14 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay PDEA Director General Chief Aaron Aquino, posibleng magamit sa eleksyon ang drug money dahil sa impluwensya ng mga sindakato ng droga.
Paliwanag ni Aquino, nais ng mga drug lord na mabigyan sila ng proteksyon oras na mailuklok sa pwesto ang kanilang mga susuportahang kandidato.