Nais nang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng surprised drug test sa mga pulitikong tatakbo sa 2019 midterm elections.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ito ay para malaman ng publiko kung sino sa mga kandidato ang gumagamit ng iligal na droga.
Gayunman sinabi ni Aquino na wala pang tiyak na plano tungkol dito at kukonsulta pa aniya siya sa mga eksperto kung ito ay legal o hindi upang walang malabag na batas.
Kaugnay nito, hinikayat ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang lahat ng aspiring candidates na magsumite ng mandatory drug testing sa oras na sila ay maupo na sa kanilang inaasam na posisyon.