Target ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na tapusin ang problema sa ilegal na droga sa bansa kasabay sa taong 2022, kasabay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, puspusan ang ginagawang hakbang ng ahensya para malinis sa iligal na droga ang may 5,000 mga barangay kada taon.
Sinabi ni Aquino na kanya nang inatasan ang mga regional director ng PDEA na magsagawa ng tatlumpu (30) hanggang apatnapung (40) anti-drugs operation kada buwan.
Sa kasalukuyan, nasa 5,100 ang drug free na mga barangay sa buong bansa.
—-