Huhugot ng mga tauhan ang PNP-Drug Enforcement Group o PDEG mula sa iba’t ibang unit ng Philippine National Police.
Ito’y upang maging mabilis ang aksyon kada operasyon at hindi na mag-request ng karagdagang tauhanng manggagaling sa ibang unit.
Ayon kay PNP Spokesman, Senior Supt. Dionardo Carlos, una silang kukuha ng tauhan sa K-9 unit at SWAT Team na gagawin nilang tactical operatives.
Imbestigador naman ang magiging papel ng ilang piling pulis na dating miyembro ng binuwag na Anti-Illegal Drugs Group at mayroon ding itatalaga sa counter intelligence na susuri kung lehitimo ang mga ikakasang operasyon.
Sa ngayon ay hindi pa anya kumpleto ang mga tauhan ng PDEG dahil sinasala pa rin nila ang mga pulis na sasali rito upang matiyak na walang lulusot na police scalawags.
By: Drew Nacino