Pumanaw na ang isang person’s deprived of liberty (PDL) na tinamaan ng bala matapos tumakas ang mga kasama nitong pdl sa New Bilibid Prison (NBP).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Bureau of Correction (BuCor) Spokesperson Gabriel Chaclag na kahapon pumanaw ang inmate matapos hindi makayanan ang tinamong sugat.
Hindi pa ito pinapangalanan ng BuCor dahil sa ilang gagawing proseso.
Kahapon, isa pang preso ang nakatakas sa NBP.
Dahil dito, umabot na sa apat ang nakatakas sa NBP habang dalawa ang pinaghahanap matapos mapatay sa manhunt operation ang dalawa. —sa panulat ni Abigail Malanday