Papayagan nang makaboto sa local level elections ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Ito ay matapos alisin ng korte suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) na ipinalabas upang harangin ang Resolution No. 9371 ng Commission on Elections na nagbibigay-laya sa mga presong makaboto.
Sa siyam na pahinang resolusyon na iprinoklama nitong March 29, 2022 at inilabas ngayong Agosto, ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang petisyong inihain ni Atty. Victor Aguinaldo matapos hindi makatugon sa mga kinakailangan sa judicial review.
Layon nang petisyon na pagbawalan ang mga preso na bumoto noong may 2016 Elections.
Dahil sa pagbasura, maipapatupad na ng buo ng COMELEC ang Resolution 9371 sa mga susunod na halalan.