Pinag-aaralan ng Bureau of Corrections (BuCor) na bigyan ng Executive Clemency ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na edad 70-anyos pataas.
Sinabi ito ni BuCor Officer-In-Charge General Gregorio Catapang Jr., kasunod na rin ng sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na uunahin nito ang decongestion sa mga kulungan sa ilalim ng BuCor.
Ayon kay Catapang, ginawa na ang hakbang noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng isang Executive Order.
Sa datos ng BuCor, higit 150K PDLs ang maaaring ilipat sa kanilang pasilidad sa Fort Magsaysay.
Kwalipikado para sa Parole o Executive Clemency ang mga PDL na 75 anyos pataas; nakapagsilbi ng hindi bababa sa 5 taong sentensya; o ang pagkakakulong ay makasasama sa kanilang kalusugan.
Hindi naman sakop sa alituntunin ang mga nakulong dahil sa Heinous Crimes o Illegal Drugs-Related Offenses.