Umalma ang PDP Laban Faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga pahayag na ginagawang mockery o katatawanan ng political parties ang electoral process.
Ayon kay Melvin Matibag, Secretary General ng PDP Laban Cusi Wing malinaw naman ang batas kaya’t hindi na kailangan pa ang anumang interpretation kaugnay sa substitution rule.
Binigyang diin ni Matibag na uubrang gamitin ng kahit anong political party ang rule sa substitution dahil pinapayagan naman ito ng Omnibus Election Code.