Nakatakdang makipag-alyansa ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban sa Nationalist People’s Coalition o NPC ngayong Biyernes.
Ayon kay Senador Koko Pimentel, presidente ng PDP-Laban, ang dalawang nabanggit na political groups ay nakatakdang lumagda sa isang “coalition for change” agreement mamayang alas-10:00 ng umaga sa Makati City.
Si Presumptive President Rodrigo Duterte ang Chairman ng PDP-Laban.
Habang ang NPC ay pinamumunuan ng negosyanteng si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.
By Meann Tanbio