Opisyal nang ipinahayag ng PDP-Laban faction sa pangunguna ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi, si Davao City mayor Sara Duterte bilang kanilang vice-presidential candidate.
Sa inilabas na press release ng partido, opisyal din nitong inilabas ang kanilang pitong senatorial candidate na kinabibilangan nina; Robin Padilla, broadcaster na si Rey Langit, House Deputy Speaker Rodante Marcoleta, Former Cabinet Secretaries Greco Belgica, Salvador Panelo, John Castriciones, at dating energy undersecretary Astra Pimentel.
Ang opisyal na pag-endorso ay dalawang buwan matapos i-adopt si Sara Duterte bilang presidential bet para sa May 9 elections. —sa panulat ni Abby Malanday