Uubrang suportahan ng PDP Laban si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 Presidential elections.
Ito ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles ay bagamat hindi miyembro ng ruling party si Mayor Sara.
Sinabi ni Nograles, miyembro ng PDP laban na bahala ang Pangulong Rodrigo Duterte bilang National Chairperson na mag rekomenda sa partido nang isasabong na presidentiable subalit ang desisyon ay dadaan sa proseso ng partido.
Nakatakdang isagawa sa Hulyo 16 ang National Council Meeting ng PDP laban at kinabukasan nito ang National Assembly ng Ruling Party.